Answer:
Tungkulin ng Isang Sultan
Ang isang sultan ay isang Muslim na pinuno na namumuno sa isang sultanato. Bago pa man dumating ang mga Espanyol sa Pilipinas, maraming bahagi na ng bansa lalo sa Mindanao ang pinamumunuan ng isang Sultan. Kabilang sa mga kilalang sultan sa Pilipinas si Abu Bakar, na siyang nagtatag ng Sultanato ng Sulu, at si Sultan Kudarat, ang ikapitong sultan ng Maguindanao na lumaban sa mga Kastila.
Bilang isang sultan, narito ang mga tungkulin na kailangan nilang gampanan:
Ang sultan ang nagsisilbing pinuno ng isang teritoryo (na tinatawag na sultanato) at sya ang punong tagapagpaganap ditto (ehekutibo).
Ang sultan ang nagsisilbing taga gawa ng mga batas sa kanyang nasasakupan (lehislatibo).
Ang sultan ang nagpapasya sa mga isyung nagaganap sa kanyang sultanato, at siya din ang nagbibigay ng hustisya (hudikatura)
Ang sultan ang nangunguna sa mga labanan kapag may gustong sumakop sa kanyang sultanato.
Ang sultan ay may tungkuling panrelihiyon, kabilang na ang pagsunod sa limang pillar ng Islam.
Explanation:
hope it helps