Answer:
Ang Saligang Batas ng Republika ng Pilipinas o ang 1987 Philippine Constitution ay ang pangunahin at pinakamahalang batas sa ating bansa. Nakasaad dito ang kapangyarihan ng pamahalaan at ang mga karapatan ng mga mamamayan ng Pilipinas.
Explanation:
Halimbawa ng mga nakasaad diton ay:
ARTIKULO I
ANG PAMBANSANG TERITORYO
Ang pambansang teritoryo ay binubuo ng kapuluang Pilipinas, kasama ang lahat ng mga pulo at mga karagatan na nakapaloob dito, at lahat ng iba pang mga teritoryo na nasa ganap na kapangyarihan o hurisdiksyon ng Pilipinas, na binubuo ng mga kalupaan, katubigan, at himpapawirin nito, kasama ang dagat teritoryal, ang lalim ng dagat, ang kailaliman ng lupa, ang mga kalapagang insular, at ang iba pang mga pook submarina nito. Ang mga karagatang nakapaligid, nakapagitan at nag-uugnay sa mga pulo ng kapuluan, maging ano man ang lawak at mga dimensyon ay nag-aanyong bahagi ng panloob na karagatan ng Pilipinas.
ARTIKULO IV
PAGKAMAMAMAYAN
SEKSYON 1. Ang sumusunod ay mga mamamayan ng Pilipinas:
(1) Yaong mga mamamayan ng Pilipinas sa panahon ng pagkakapatibay ng Konstitusyong ito;
(2) Yaong ang mga ama o mga ina ay mga mamamayan ng Pilipinas;
(3) Yaong mga isinilang bago sumapit ang Enero 17, 1973 na ang mga ina ay Filipino, na pumili ng pagkamamamayang Pilipino pagsapit sa karampatang gulang; at
(4) Yaong mga naging mamamayan ayon sa batas.
SEK. 2. Ang katutubong inianak na mga mamamayan ay yaong mga mamamayan ng Pilipinas mula pa sa pagsilang na wala nang kinakailangang gampanang ano mang hakbangin upang matamo o malubos ang kanilang pagkamamamayang Pilipino. Yaong mga nagpasya na maging mamamayang Pilipino ayon sa Seksyon 1, Talataan 3 nito ay dapat ituring na katutubong inianak na mga mamamayan.
SEK. 3. Ang pagkamamamayang Pilipino ay maaaring mawala o muling matamo sa paraang itinatadhana ng batas.
SEK. 4. Mananatiling angkin ang kanilang pagkamamamayan ng mga mamamayan ng Pilipinas na mag-asawa ng mga dayuhan, matangi kung sa kanilang kagagawan o pagkukulang, sila ay ituturing, sa ilalim ng batas, na nagtakwil nito.
SEK. 5. Ang dalawahang katapatan ng mga mamamayan ay salungat sa kapakanang pambansa at dapat lapatan ng kaukulang batas.
https://brainly.ph/question/2223586
#BrainlyFast