Answer:
Pagtutulungan
Ang pagtutulungan ay ang sama-samang paggawa ng isang grupo o pangkat ng mga tao na may isang layunin o mithiin, kakambal ito ng salitang pagkakaisa.
Ang pagkakaroon ng pagtutulungan ay isang mahalagang gawi upang magkaroon ng kaunlaran ang isang lipunan. Kung ang mga samahan, grupo o pangkat ay may pagtutulungan tiyak ang lahat ng mga layunin at mithiin ay kanilang makakamit.
Pagtulong sa Kapwa
Ang pagiging matulungin ay isang katangian na dapat taglayin ng bawat isa. Ang pagtulong sa kapwa ay hindi dapat pinipilit bagkus ito ay bukal sa loob o kusang loob. Maraming pwedeng gawin para maipakita ang ating pagiging matulungin sa ating kapwa.
Mga Halimbawa ng Pagtulong sa Kapwa
- Pagtulong sa isang matanda sa pagtawid sa kalsada.
- Pag-alalay sa mga matanda na nihihrapang maglakad.
- Pag-aaboot ng bayad sa dyip.
- Pagbibigay ng pagkain sa mga batang namamalimos sa mga kalye.
- Paggampan sa mga gawaing bahay para matulungan ang mga magulang.
- Ang pagtulong sa kamag-aaral na maunawaan ang aralin.
- Pag-aaral ng mabuti sa paaralan, pakikinig tuwing talakayan at pagiging mabait sa klase, ito ay mga paraan na ng pagtulong sa iyong guro.
- Pagalalay sa mga taong may mga kapansanan.
- Ang pagbabahagi ng talento sa kapuwa.
- Pagsuporta, pakikibahagi at pagtulong sa mga proyekto ng pamayanang kinabibilangan.
Kung ang lahat ng tao o mamamayan ay may pagtutulungan tiyak ang pag-unlad ng lipunan, lalo na kung sasamahan ng pagkakaisa, paggalang at pagmamalasakit sa bawat isa.
Para sa karagdagan pang kaalaman, magtungo sa mga link na:
Kahalagahan ng pagtulong sa kapwa: brainly.ph/question/2078566 , brainly.ph/question/516149
#LetsStudy