Explanation:
1.Ang bawat isa ay may natatanging katangiang taglay. Iba-iba man ang pamamaraan ng pagpapalaki ng ating mga magulang sa atin, ikaw at ako ang patunay na di nagkamali ang Panginoon sa pagkakalikha sa atin. Bagama’t hindi perpekto at may kapintasan ang ilan sa atin, maaring ito naman ay maging kalakasan sa iba. Katulad ng mga tula tungkol sa sarili na nakasulat dito, nawa ay magsilbing inspirasyon ang mga ito sa iyo. Palakasin ang mga bagay kung saan ka mahina at iwasan ang pagkukumpara ng iyong sarili sa iba.
Ako’y iyong nakita na, hindi pa man isinilang,
batid mo kung ilang taon ang haba ng aking buhay;
pagkat ito’y nakatitik sa aklat mo na talaan,
matagal nang balangkas mong ikaw lamang ang may alam.
2.Aking ikinukubli ang mga bawat panaghoy
Sa aking sarili, patuloy pa rin ang daloy
Kabataang nakaraan, sa akin nag-bigay daan
Patungo sa kasalukuyang pinaglalaanan.
Mga nakaraang bata pa’y di na nais balikan
Bawat ala-alang aking pinanghahawakan
Sa saglit pa’y dumungis sa aking nakaraan
Ngunit maayos na pag-iisip ang kinakailangan.
Dito ko napagtanto at nakapag-isip ng wasto
Para sa aking sarili at ma magiging pagbabago nito
Nais kong magpatuloy sa pagbabagong ito
Dahil marami pang pagsub
3.Nag-iisa, nag-iisip kung ano ang maaring gawin,
Mga bagay, pangarap na kay hirap abutin,
Marami pang problema ang kailangang kayanin,
Mga pagsubok ay dapat nating harapin.
Dalawang daan, ang kailangang pagpipilian,
Ang tuwid na daan at makipot na daan,
Tuwid na mayroong bangin sa dulu-dulohan,
Makiipot ma’y sa tamang landas naman.
Ngunit, ako’y nalilito kung saan ako patungo,
Sa tuwid na daan ba o sa makipot na ito,
Hindi ko na alam kung ano ang gagawin ko!
Bahala na sa sarili kung saan gustuhin ko.
Aking mga paa’y napapagod na’t nanginginig pa,
Buong katawan ko ri’y mababagsak na,
Ngunit ayaw pang sumuko ng aking mga mata,
Na kahit madilim ma’y lakad parin at pilit kinakaya.
Nagpapasalamat ako sa pinagtunguhan ko,
Bagaman alam ko na, kung ano ang haaharapin ko,
Lakas ng loob para sa kinabukasan ko,
Patutunguhan ko’y malayang pook na sinilangan ko.
mamili na po kayo diyan..
hope it helps