Answer:
1. MARK- Palagyo
2. ANITA- Paari
3. BAHAY- Palayon
4. MANGANGALAKAL- Palagyo
5. NERI- Paari
Explanation:
Ang tatlong kaukulan ng pangngalan ay:
A. Palagyo-
Sa kaukulang ito, ang pangngalan ay ginagamit bilang simuno ng pangungusap, pantawag, kaganapang pansimuno, o pangngalang pamuno.
1.Simuno ng Pangungusap
Si Dante ay nag-aaral nang mabuti.
Ang pangngalan na "Dante" ay ang pinag-uusapan sa pangungusap.
2.Pantawag
Dante, ilang oras ka nag-aaral araw-araw?
Ang pangngalang "Dante" sa pangungusap na ito ginagamit bilang pantawag sa tao.
3.Kaganapang Pansimuno
Si Dante ay isang masipag na mag-aaral.
Ang salitang "mag-aaral" ay isang kaganapang pansimuno dahil ito ay nasa bahagi ng panag-uri at ito ay may kaugnayan sa simuno ng pangungusap, ang salitang "Dante".
4.Pangngalang Simuno
Si Dante, ang masipag na mag-aaral, ay nakatapos na sa kolehiyo.
B. Palayon
Ang pangngalan ay ginagamit bilang layon ng pandiwa at layon ng pang-ukol.
1.Layon ng Pandiwa
Binigyan ng regalo si Martha ni Noel.
Ang salitang regalo ang tumatanggap ng salitang kilos na "binigyan".
2.Layon ng Pang-ukol
Ang basket na ginawa niya ay para kay lola.
Ang salitang basket ay pinaglalaanan ng salitang kilos na ginawa at ito ay sumusunod sa isang pang-ukol.
C. Paari
Ang pangngalang ay isang paari kung ang salitang sinundan nito ay isa ring pangngalan. Nagpapakita ito na ang pangalawang pangngalan ang siyang may-ari ng unang pangngalan.
Halimbawa: Ang mga manok ni Mang Kanor ay malulusog.
#BrainlyFast