Kapag umulan sa Todos los Santos, umiiyak din ang mga kaluluwa.
Magiging magnanakaw sa habambuhay ang sinumang magnakaw ng abuloy o anumang bagay para sa patay.
Kapag nagnakaw ka ng abuloy sa patay, may susunod sa iyong pamilyang mamamatay.
Sa libing, ang mga bata ay kailangang ihakbang sa ibabaw ng hukay ng yumao upang hindi ito balikan ng kaluluwa ng taong namatay.
Hindi pwede ang magpakuha ng larawan na tatlo dahil mamamatay ang isa.
May pamahiin sa patay na kapag tapos na ang libing ng patay, palipasin muna ang tatlong araw bago maligo.
Kung hindi pa nakakapagbabang luksa, bawal ang kumatay ng manok.
Magsaboy ng asin o bigas sa bahay ng namatayan upang itaboy ang espiritu.
Kapag may kulay tsokolateng paru-paro siguradong bumibisita ang kaluluwa ng yumao.
Kung namatay sa sanhi na krimen, nilalagyan ng sisiw ang ibabaw ng kabaong.
Kapag may patay sa bahay, bawal ang magwalis.
Kapag naka-amoy ka ng kandila o bulaklak, nanganghulugan itong may namatay na mahal sa buhay.
Maagang mamamatay ang iyong mapapangasawa kapag kumakanta ka habang nasa harap ng kalan.
Kapag naggupit ng kuko sa gabi, may mamamatay na mahal sa buhay.
May pamahiin sa patay na kapag lumapit ka sa patay habang may sugat ka, hindi ito gagaling.
Malalamang may mamamatay sa inyong lugar kapag pumutak ang inahing na manong sa gabi.
mamili kanalng jan teh thengs