Answer:
REGISTER at BARAYTI NG WIKA
Ang Register ay isang baryasyon sa wika na may kaugnayan sa taong nagsasalita o gumagamit ng wika. Ito ay mas madalas nakikita o nagagamit sa isang partikular na disiplina. Ang Barayti ng wika ay nag-uugat sa mga pagkakaiba-iba ng mga indibidwal at grupo, maging ng kani-kanilang tirahan, interes, gawain, pinag-aralan at iba pa.
Dinamiko ang wika kaya't nagkakaroon ito ng iba-ibang rehistro batay sa konteksto ng paggamit nito at kung sino ang gumagamit nito. Sa pagkakaroon ng pagbabago ng wika sa taong nagsasalita o gumagamit ng wika ayon sa:
1.Tono
2.Paksa
3.Paraan o paano nag-uusap
Tono ng kausap o tagapakinig (tenor of discourse)
Ito ay naaayon ang wika sa sino ang nag-uusap. (para kanino)
Tono ng kausap o tagapakinig (tenor of discourse)
Ito ay naaayon ang wika sa sino ang nag-uusap. (para kanino)
Paraan o paano nag-uusap (mode of discourse)
Ito ay pasalita o pasulat pagtalima sa mga panunturan dapat sundin batay sa uri ng piniling paraan ng pag-uusap.
BARAYTI NG WIKA
Maraming mga halimbawa ng barayti. Narito ang ilan:
Diyalek
Sosyolek
Idyolek
Pidgin
Creole
Diyalek
Ito ay ang barayti ng wikang nalilikha ng dimensyong heograpiko. Tinatawag din itong wikain sa ibang aklat. Ang diyalekto ang wikang ginagamit sa isang rehiyon, lalawigan o pook, malaki man o maliit.
Sosyolek
Sa barayting nabubuo batay sa dimensyong sosyal. Tinatawag din itong sosyal na barayti ng wika dahil nakabatay ito sa mga pangkat-etniko. Ang sosyolek ay maaari ding may legal na rehistro na tinatawag na jargon. Ang jargon ang mga tanging bokabularyo ng isang partikular na pangkat ng gawain.
Idyolek
Ito ay ang mga indibidwal na paraan/ istilo ng paggamit ng wika
Pidgin
Ito ay tinatawag sa English bilang ang "nobody’s native language". Nagkakaroon nito kapag ang dalawang taal na tagapagsalita ng dalawang magkaibang wika na walang komong wika ay nagtatangkang magkaroon ng kumbersasyong makeshift.
Creole
Ito ay isang wika na unang naging pidgin at kalaunan ay naging likas na wika (nativized). Nagkaroon nito sapagkat may komunidad ng mga tagapagsalita ang nagangkin ng wikang ito.
Karagdagang Impormasyon
May mga teorya kung paano nabuo ang wika. Basahin ang ilan sa link na ito: brainly.ph/question/18605.
Alamin ng higit ang tungkol sa katangian ng multilingguwalismo sa link na ito: brainly.ph/question/315285.
Dito sa Pilipinas, maraming wika ngunit mababasa mo sa link na ito ang pangunahing mga wika: brainly.ph/question/742875.
#Ihope it help⚡
brainlieste please⚡